Acute gastro-enteritis cases, tumaas ngayong papalapit na holiday season

Muling napaalala ang Provincial Health Office (PHO) sa sakit na acute gastro-enteritis na mas mataas ang naitatala ngayong papalapit ang holiday season.

Batay sa tala ng PHO, bahagya lamang ang itinaas ng kaso noong nakaraang taong 2016 na nasa 8,454 kumpara sa 8,079 na kaso ngayong 2017.

Ayon kay Dra. Anna Marie de Guzman, PHO Officer ng Pangasinan na mataas ng tyansa na magkaroon ng acute gastro-enteritis kung nakakain ng kontaminado o panis na pagkain.

Karaniwan naman aniyang nakakaranas ng pagsusuka, pagkahilo, pananakit ng ulo at tyan at pagtatae ang taong nakakaranas ng acute gastro-enteritis.

Ipinapayo naman ng PHO na hugasang mabuti ang mga pagkain bago lutuin, maghugas ng kamay tuwing magluluto ng pagkain, siguraduhing sariwa ang sangkap at lutuing mabuti ang pagkain.

Speak Your Mind

*