DTI-Pangasinan, naglabas na ng bagong SRP…, mga noche buena products, tumaas

Inilabas na ng Department of Trade and Industry o DTI Pangasinan ang bagong suggested retail price sa mga noche buena products ilang araw bago ang pasko.

Ayon kay Engr. Peter Mangabat, Provincial Director ng DTI Pangasinan mas malaki ang itinaas sa mga noche buena items ngayon taon kumpara noong nakaraang taong 2016.

Umaabot aniya sa anim hanggang pitong posyento ang itinaas sa presyo ng mga bilihin na karaniwang inihahanda sa noche buena.

Kabilang sa mga tumaas ang presyo ng ham, keso de bola at fruit cocktail, cheese, sandwich bread, mayonnaise, pasta, macaroni, spaghetti sauce, tomato sauce

Isa naman sa itinuturong dahilan ng patuloy na pagtaas sa presyo ng mga noche buena ay serye ng oil price hike.

Speak Your Mind

*