Mga serbisyo ng DA, ilalahad sa isasagawang information caravan sa Pangasinan

Inaanyayahan ang lahat ng magsasaka na dumalo sa isasagawang information caravan ng Department of Agriculture (DA) sa lalawigan ng Pangasinan.

Bukas para sa lahat ng magsasaka, mangingisda at ibang pang agri-stakeholders ang aktibidad na gaganapin sa Sison Auditorium sa bayan ng Lingayen sa darating ng a-bente nuebe ng Nobyembre ganap ng alas otso hanggang alas singko ng hapon.

Inaasahang tatalakayin dito ang ibat-ibang programa, proyekto at serbisyo ng D-A sa ilalim ng Duterte Administration sa ilalim ng pamumuno ni DA Secretary Emmanuel F. Piñol.

Naghihintay din ng inilaang booths para ipaliwanang sa mga magsasaka ang ibat-ibang serbisyo at proyekto ng iba pang attached agencies ng kagawaran ng pagsasaka.

Speak Your Mind

*