Mahigit dalawampung bilyong piso na SSS benefits, naipamigay na

Kinumpirma ng Social Security System (SSS) na naipamigay na sa mga miyembro nito ang higit isandaan at dalawampu’t pitong bilyong piso bilang benepisyo para sa 3rd quarter ng 2017.

Ipinagmalaki ni SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel Dooc na tumaas ng 30.31 percent ang naturang pondo nitong Setyembre mula sa dating 98.06 bilyon kumpara sa kaparehong panahon noong 2016.

Kabilang sa mga naipalabas na benepisyo ay para sa retirement benefits, death benefits, at diability benefit payments.

Ayon kay Dooc, tumaas din ang disability, funeral at sickness benefits expenditures.

Lumobo rin ang sss total revenues nitong setyembre 2017 ng 146.17 bilyong piso mula sa 131.97 bilyon kumpara sa kaparehong period noong nakaraang taon.

Speak Your Mind

*