Oplan kapaskuhan ng PDRRMO, kasado na

Kasado na ang oplan kapaskuhan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO kahit ilang linggo pa bago sumapit ang pasko.

Ayon kay Avenex Arenas, Public Information Officer ng PDRRMO na opisyal itong sisimulan sa sabado at magtatapos hanggang buwan ng Enero.

Layun umano nito na mahigpit na mabantayan ang mga beach goers sa Lingayen Beach Front upang maiwasan na nakapagtala ng pagkalunod.

Paalala naman ni Arenas sa publiko na sumunod sa ipinatutupad na “no swimming policy’ at panatilihin ang kalinisan sa baybaying dagat ng Pangasinan.

Speak Your Mind

*