Pagtatanim ng mais bilang pamalit sa palay, ipinapayo sa mga magsasaka

Ipinapayo ng Agricultural Training Institute (ATI) ng Department of Agriculture (DA) ang pagtatanim ng mais ngayong nakakaranas ang bansa ng dry season.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Rogelio Evangelista, Center Chief ng ATI-DA) na akma ang pagtatanim ng mais at iba pang gulay kung hindi nakakaranas ng mga pag-ulan.

Hakbang din umano ito upang hindi masayang ng lupa mabago ang pamamaraan ng pagsasaka.

Nabatid na limang bayan na sa Pangasinan kasama ang bayan ng Mangaldan, Mapandan, Sta. Barbara, Malasiqui, at Villasis ang nakakaranas ng kakulangan sa suply ng patubig dahil sa pagbaba ng water level sa San Roque Dam.

Speak Your Mind

*