Pangasinan, muling nasungkit ang 4th National Corn Achievers Award

Sa ika-apat na pagkakataon muling nasungkit ng lalawigan ng Pangasinan ang National Corn Achievers Award kung saan naiuwi din ang 3 milyong piso.

Ang nasabing parangal ay personal na dinaluhan ni Governor Amado I. Espino III, Provincial Agriculture Officer-In-Charge Dalisay Moya at Supervising Agriculturist Nestor Batalla sa  PICC sa lungsod ng Pasay.

Batay sa tala ng Provincial Agriculture Office, nakapag-produce ang lalawigan ng Pangasinan 363,838 metric tons sa yellow corn at 4,522 metric tons sa white corn, na may kabuuhang  368,161 corn sa loob nga taong 2016.

Samantala, kasama din sa pinarangalan sina Dalisay Moya bilang Outstanding Provincial Agriculturist; Venancio Valeroso, Outstanding Provincial Corn Coordinator; Chrisanto Balita ng Sto. Tomas at Edgardo Tugas ng Alcala, Outstanding Municipal Agriculturists; Ramil Bustamante at Elizabeth Tubera ng Sto. Tomas, Outstanding Municipal Coordinators; Napoleon Campos ng Sta. Barbara at Daisy Dela Cruz ng mangaldan, hall of famers, outstanding agricultural extension workers kasama na sina jonathan Dominguez ng San Nicolas, Zosima Belmonte ng San Quintin, Alicia Noche ng Mangaldan.

Speak Your Mind

*