PPPO, naniniwala na posible nang maideklarang drug free province ang Pangasinan

Naniniwala ang Pangasinan Provincial Police Office na maidi-deklara na ang lalawigan ng Pangasinan bilang drug free province ngayong taon.

Ayon kay PS/Supt. Ronald Lee, Provincial Director ng PPO na labin isang bayan na mula sa apatnaput apat na bayan at lungsod ang drug cleared municipality.

Marami narin umanong nairekomenda ang pppo para sa validation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

Nabatid na kamakailan lamang ay idineklara ang bayan ng Alcala at Malasiqui bilang drug cleared municipality.

Samantala, malapit narin umanong maideklara ang lungsod ng Dagupan na drug cleared bagamat mayroon pang ilang Hvt o High Value Target sa lungasod.

Speak Your Mind

*