Publiko, hindi dapat magkumpiyansa sa sakit na malaria sa Pangasinan

Hindi umano dapat na magkumpiyansa ang publiko sa sakit na malaria kahit pa masasabing “malaria free” na ang lalawigan ng Pangasinan.

Nabatid na limang taon nang walang kaso ng malaria sa pangasinan kayat itinuturing ng Wolrd Health Organization (WHO) na “malaria free” ang lalawigan.

Sa panayam ng DZRD sonshine sinabi ni Rachel Zarate, Health Education Promotion Officer ng Provincial Health Office (PHO) na epektibo ang mga programang ipinatutupad ng pho kayat wala nang naitatalang malaria sa Pangasinan

Samanatala, paalala naman ng PHO sa publiko na iwasan ang mga lamok na posibleng may dala ang sakit na malaria sa pamamagitan ng paglilinis sa kapaligiran.

Speak Your Mind

*