“Bantay mo bahay ko, bahay ko bantay mo”, ipinatutupad ng Pangasinan PNP

Muling nagpaalala ang Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) sa publiko na mag-ingat sa mga magnanakaw lalo na sa mga umaalis ng bahay ngayong kapaskuhan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni PC/Insp. Norman Florentino, Deputy Chief for Operation at Information Officer ng PPPO na kanilang ipiatutupad ang programa na “Bantay Mo Bahay Ko, Bahay Ko Bantay Mo”.

Sakali umanong aalis ng bahay, maaaring ihabilin ang inyong bahay sa kapitbahay at kaibingan, at kung sakaling sila naman ang aalis, ikaw naman ang magbabantay sa bahay nila.

Sa ganitong paraan, mas mababantayan ang inyong bahay laban sa mga kawatan.

Ngunit sinabi ni Florentino na kung maaari, huwag iwanang walang tao at iwasang magpost sa social media kung nasaang lugar kayo pumunta.

Kasabay nito, tiniyak naman ng PNP na regular naman ang pagpapatrolya ng kapulisan sa mga barangay katuwang ang mga barangay peacekeeping action team o bpat at barangay tanod.

Speak Your Mind

*