Drug free province, inaasahang makakamit nang PPPO bago matapos ang taon

Umaasa ang Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) na bago matapos ang taon ay makakamit na ng Pangasinan ang “drug free province”

Ito ayon kay PC/Insp. Norman Florentino, Deputy Chief for Operation at Information  Officer ay dahil tatlong barangay na lamang sa buong lalawigan ang hindi naidideklarang “Drug Free Barangay”.

Bukod dito sa tatlong barangay, dalawang drug personality na lamang din ang mahigpit na binabantayan ng kapulisan.

Sa kabilang banda, mahigpit naman ang ipinatutupad na pagbabantay ng PPPO sa mga boundery area ng Pangasinan upang labanan ang banta ng terorismo matapos ideklara ni pangulong duterte na mga terorista ang mga New Peoples Army (NPA).

Speak Your Mind

*