Fire cracker zone, dapat sundin ng publiko upang hindi mabiktima ng paputok

Maagang nagpaalala ang Police Provincial Office (PPO) na sunod ang ipinatutupad na fire cracker zone upang hindi maging biktima ng paputok.

Ito ang inihayag ni PC/Insp. Norman Florentino, Deputy Chief for Operation at Information  Officer ng PPPO sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Sinabi ni Florentino na taon-taon nang ipinatutupad ang designated fire cracker zone sa isang bayan kayat dapat itong sundin at iwasan din ang paggamit ng ipinagbabawal na paputok.

Ipinaalala din ni Florentino na kabilang sa mga ipinagbabawal na paputok na usong-uso sa mga barangay ang paputok na “buga”.

Pinaalalahan din ni Florentino ang mga nagtitinda ng paputok na sumunod sa batas sa pagkuha ng permit bago magtinda.

Speak Your Mind

*