Hypertesion na kalimitang naitatala ngayong holiday season, ibinababala ng PHO

Nagbabala ang Provincial Health Office (PHO) sa sakit na hypertension na kalimitang naitatala ngayong holiday season.

Dahil dito, nag-labas ng bagong batayan ang doh para malaman kung ang isang tao ay nakakaranas na ng hypertesion gaya ng mas pinababang blood pressure para masabing hypertensive ang isang tao.

Ayon kay Dr. Ana Marie de Guzman, PHO Officer na ginawa ang bagong guidelines dahil sa tumataas na kaso ng naturang sakit.

Batay sa tala ng PHO sa buong Pangasinan, tumaas ng nasa limamput anim na porsyento ang bilang ng hypertension, mula 36,602 na naitala noong 2015, umakyat ito sa 64,500 noong 2016.

Kaya naman ipinapayo ng PHO ngayong panahon ng kapaskuhan na umiwas sa matatabang pagkain, iwasang magpuyat, patutong kumain ng gulay at prutas at ugaliin pagpatingin sa doktor kung nakakaramdam ng pagkahilo.

Speak Your Mind

*