Zero casualty sa paputok ngayong taon, target ng PHO

Umaasa ang Provincial Health Office (PHO) na walang maitatalang biktima ng ipinagbabawal na paputok o zero casualty sa pangasinan sa pagsalubong sa bagong taon.

Ayon kay Racmil Caron Villanueva, Assistant Provincial Epidemiology and Surveillance Unit Coordinator, PHO Pangasinan, ipinatutupad ng Department of Health ang Oplan Iwas Paputok na may temang “Oplan Iwas Paputok, Fireworks Display Ang Patok” kayat hinihikayat ng lahat na makiisa sa fireworks display sa inyong lugar.

Sinabi pa ni Villanueva na mas mabuting sumunod sa paggamit ng pinahihintulutang paputok upang hindi mabiktima na paputok.

Inilabas naman ng PHO ang mga ilegal na paputok ang mahigpit na ipinagbabawal ng doh kabilang na ang piccolo, at watusi.

Dagdag pa ni Villanueva na upang maiwasan na maging biktima ng paputok, alalahanin ang limang paalala gaya ng mapanganib ang paputok, lahat ng paputok ay bawal sa bata, kung may nagpapatutok lumayo dito, huwag mamulot ng di sumabog na patutok at kung sakaling naputukan ay agad magpagamot sa doktor.

Speak Your Mind

*