10 hinihinalang drug pusher, arestado sa Zamboanga Del Norte.

Magkakasunod na naaresto ng mga otoridad ang sampung hinihinalang drug pusher sa Zamboanga Del Norte.

Nahuli ang mga suspek sa isinagawang operasyon ng joint task force “zampelan” kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police sa ilang Barangay sa bayan ng Liloy.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Mario Vergara Cubol, Jeffrey Ortega Ehidio, Maria Sheila Luta Ehidio, Dunhill Buga-ub, Jeffrey Campaner Rusiana, Melvin Paradel Borgonia, Roger Tuting, Leo Tayrus Tejero, Francis Barbacias at Franklyn Manait.

Narekober sa mga suspek ang nasa dalawampung pakete ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Sa ngayon ay inihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek.

 

Speak Your Mind

*