BSP-Dagupan, nagpaalala sa publiko upang hindi mabiktima ng mga pekeng pera

Muling nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na maging alerto upang hindi mabiktima ng mga pekeng pera na kalat parin ngayon sa merkado.

Ayon kay Romeo Badua, Branch Manager ng BSP-Dagupan, dapat naging vigilante ang publiko upang hindi mabiktima ng mga pekeng pera na natatanggap bilang sukli.

Mahalaga aniya na busisiin ang pagkakaiba ng peke sa tunay na pera, kabilang na ang palatandaan gaya ng watermark, serial number at security threads.

Kasabay nito, nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas na bawal sulatan, sirain o sunugin ang pera dahil may kaakibat itong parusang kulong at multa.

Speak Your Mind

*