BSP, hindi na magkakaroon ng extension ang pagpapalit ng lumang pera

Inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP Dagupan Branch na walang ipatutupad na extension ang pagpapalit ng lumang pera o old bank notes.

Ayon kay Romeo Badua, Branch Manager ng BSP-Dagupan, apat na beses nang pagpatupad ng extension ang deadline ng pagpapalit ng mga old bank notes sa new design series.

Nabatid na ang huling deadline sa pagpapalit ng lumang pera ay noong Disyembre 29, 2017 kayat wala nang halaga ang mga lumang pera dahil ito ay hindi na maaring ipalit sa bangko.

Hindi aniya nagkulang ang BSP sa pagbibigay paalala sa publiko hinggil sa pagpapalit ng new design series.

 

Nilinaw naman ng BSP na ang pagpapalit ng design ng lumang pera ay naa-ayon sa batas lalo na kung ito ay umabot na sa mahigit sampung taon sa merkado.

Speak Your Mind

*