Dating Customs Commissioner Faeldon, nailipat na sa Pasay City Jail

Nailipat na sa Pasay City Jail si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Ito ay matapos lagdaan ni senate President Aquilino “Koko” Pimentel III ang commitment order para mailipat ng kulungan si Faeldon mula sa senado.

Binigyan naman ng sariling selda si Faeldon at ibinukod sa mga preso na mayroong kinaaanibang pangkat o ‘gang’ para sa kaligtasan nito.

Napagdesisyunan ng Senate Blue Ribbon Committee na ilipat ng kulungan si Faeldon kasunod ng mainit na sagutan nito at Senador Richard Gordon sa pagdinig ng Senado sa korapsyon sa Bureau of Customs.

Speak Your Mind

*