Faeldon, hindi makakatanggap ng Special Treatment’ – BJMP

Hindi umano makakatanggap ng special treatment si dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon habang nakakulong sa Pasay City Jail.

Ito ang tiniyak ni Bureau of Jail Management and Penology Spokesperson Sr. Insp. Xavier Solido.

Sinabi naman ng abogado ni Faeldon na si Atty. Jose Dino na maging sila ay hindi nila hihilingin ang special treatment dahil masaya umano ngayon ang Deputy Administrator ng OCD sa kaniyang detention transfer.

Naniniwala naman si Dino na didinggin ng korte suprema ang kaniyang apela kaugnay sa kaso ni Faeldon.

Speak Your Mind

*