Kamara, iginiit na makakatulong sa risk reduction ng Pilipinas ang Federalism

Iginiit ng mababang kapulungan ng Kongreso na may magandang epekto sa Risk Reduction ng Pilipinas ang pagpapalit ng porma ng gobiyerno patungong Federalism.

Ito ang inihayag ni Deputy Speaker Rolando Andaya Jr., kung saan ang pondo umano para sa Disaster Risk Reduction ay hahawakan na ng bawat estado.

Dahil dito, magiging resilient na daw ang mga komunidad laban sa mga kalamidad.

Aniya, sa pamamagitan nito ay mas mabilis na maihahatid ang tulong sa mga lugar na apektado ng kalamidad at pagsasaayos ng mga nawasak na lugar.

Binigyang diin ni Andaya na sa kasalukuyang sistema ay mabagal ang proseso dahil idinadaan pa sa maynila ang disaster management.

Layon din umano nito na mabawasan ang red tape dahil wala nang maraming daraanan ang mga dokumento.

Speak Your Mind

*