Maria Ressa at dating reporter ng Rappler, sinubpoena ng NBI

SINUBPOENA ng National Bureau of Investigation (NBI) ang chief executive officer ng National Bureau of Investigation (NBI) na si Maria Ressa.

Ito ay kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon ng NBI sa reklamo ng negosyanteng si Wilfredo Keng.

Kasama ring ipinapatawag ng NBI ang dating reporter ng rappler na si Reynaldo Santos at ang may-ari ng Dolphin Fire na shareholder ng Rappler Holdings na si Benjamin Bitanga.

Ang nasabing mga personalidad ay pinasisipot sa tanggapan ng NBI-Cybercrime Division sa Enero 22 ng taong kasalukuyan.

Nag-ugat ang reklamo sa ulat ng Rappler noong Mayo 2012 kung saan tinukoy na pagmamay-ari umano ni Keng ang itim na Chevrolet Suburban na ginagamit noon ni Dating Chief Justice Renato Corona.

Ang nasabing impormasyong ay nauna nang itinanggi ni Keng.

Speak Your Mind

*