Media Literacy, solusyon sa laganap na Fake News

Media Literacy ang pangmatagalang solusyon sa pagsugpo sa paglaganap ng Fake News o pekeng balita.

Ito ang iginiit ng Propesor ng College of Mass Communications ng University of the Philippines (UP) na si Dr. Clarissa David sa pagdinig ng Senado sa pagkalat ng Fake News.

Sinabi rin ni David na dapat nang itigil ang pagpapataw ng parusa sa mga content producer.

Aniya, mas makabubuting turuan ang mga mamamayan na berepikahin ang mga impormasyon at hindi ito kayang gawin lamang ng Gobyerno.

Dagdag pa ni David na sa academe, hindi nila ginagamit ang Fake News dahil pang-atake ito sa anumang impormasyon na kanilang tinututulan.

Giit ni David, magkaiba ang “disinformation” at “misinformation.”

Speak Your Mind

*