Mga Blogger, dapat managot sa pagbibigay ng mga maling impormasyon

Dapat ding managot ang mga Blogger kapag nagpalaganap ang mga ito ng mga maling impormasyon.

Ito ang binigyang-diin ni Senadora Grace Poe, Chairman ng Senate Committee on Public Information and Mass Media sa pagdinig sa fake news.

Ayon kay Poe, sinasabi ng ilang Bloggers na personal expressions at pawang mga opinyon lamang ang kanilang mga post at hindi anila ito dapat sumailalim sa Code of Ethics ng mga mamamahayag.

Sinabi ng Senadora na hindi maaari na basta na lamang atakihen ang tao ng walang basehan at idadahilan ang freedom of expression.

Una nang inihayag ni poe na dapat maging responsable ang mga mamamahayag at Bloggers sa kanilang isinusulat o pino-post online, lalo na sa Social Media kung saan laganap ang mga maling impormasyon.

Speak Your Mind

*