Mga pino-post ni Mocha Uson, hindi lahat dumadaan sa PCOO

Hindi dumadaan sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang lahat ng pino-post ng kanilang Assistant Secretary na si Mocha Uson.

Ito ang nilinaw ni PCOO Secretary Martin Andanar sa Senate Hearing sa pagkalat ng fake news.

Sinabi ni Andanar na noong pumasok si Uson ay agad niyang nilinaw kung ano ang opisyal na PCOO social media accounts.

Ipinaliwanag aniya nito kay Uson na lahat ng pumapasok at lumalabas sa plataporma ng Gobyerno ay mga totoong balita kaya’t walang puwang ang fake news.

Tinanong naman ni Senadora Grace Poe, Chairman ng Senate Committee on Public Information and Mass Media si Andanar kung ikinunsidera nitong i-shut down ang blog ni Uson dahil sa conflict of interest.

Sagot ng Communications Secretary na ilang beses niyang tinawagan si Uson at agad nitong inalis ang ilang pahayag sa kanyang personal blog.

Iginiit din ni Andanar na hindi repleksyon ng pcoo ang blog ni uson at batid niya na mahirap para sa Opisyal na ihiwalay ang personal na opinyon mula sa Ahensya.

Speak Your Mind

*