Nasawi dahil sa winter storm sa Southern United States, apat katao na

Umabot na sa apat ang nasawi dahil sa winter storm na nananalasa sa Southern United States.

Naglabas ng storm warnings ang National Weather Service (NWS) mula Northern Georgia hanggang Virginia at sa Massachusetts hanggang Maine.

Binalot ng makapal na yelo ang mga kalsada na siyang dahilan ng pagkasira ng ilang linya ng kuryente at pagsasara ng mga paaralan.

Ilang insidente naman ng car crash ang naitala dahil sa madulas na daan dulot ng snowstorm na siyang bumawi sa buhay ng ilang katao.

Maliban sa car crash ay ang mismong matinding lamig ang dahilan ng pagkamatay ng isang matandang may Dementia.

Isinara rin ang ilang paliparan tulad ng Hartsfield-Jackson International Airport kung saan mahigit apatnaraang flights ang kinansela.

Pinayuhan ng mga otoridad na manatili muna sa kanilang mga tahanan ang mga mamamayan at umiwas muna sa pagmamaneho.

Speak Your Mind

*