Pag-Ibig Fund, hinihikayat ang mga nasa informal sector na magpa-miyembro

Mas paiigtingin ngayon ng Pag-Ibig Fund ang kampanya sa paghikayat sa publiko na maging miyembro ng Pag-Ibig o Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industria at Gobyerno.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Norren Samoco, Marketing and Sales Head ng Pag-Ibig Dagupan Branch na ang mga ito ay mula sa informal sector ang kinikita tulad ng mga ambuant vendor, market vendor at mga driver.

Nakakalungkot aniya na marami sa mga ito ang hindi aware sa mga benepisyong makukuha nila sa Pag-Ibig Fund.

Pangunahing programa aniya ng Pag-Ibig para sa mga nasa informal sector ang Saving Program at ang kanilang Housing Loan Program.

 

Ang tinig ni Norren Samoco, Marketing and Sales Head ng Pag-Ibig Dagupan Branch sa panayam ng Dzrd Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*