Pagdagsa ng mga migratory bird sa Binmaley, muling ibinababala

Muling nagbabala ang Agriculture Office ng bayan ng Binmaley laban sa mga migratory bird na dagsa na naman sa lugar dahil sa lamig ng panahon ngayon.

Ayon kay Butch Ferrer, Municipal Agriculturist ng Binmaley na bukod sa banta sa kalusugan, may negatibong epekto din ang mga migratory bird sa mga palaisdaan.

Kinakain umano ng mga ibon ang mga alagang similya na nakalagay sa mga fishpond na inaasahang magbibigay ng kalugihan sa mga fishpond owner.

May nakikita naman advantages ang municipal acriculturist dahil kaya nilang ubusin ang maliliit na isda sa palaisdaan kayat hindi na nila kailangan pa ang gumastos para sa lason.

Speak Your Mind

*