Pagtaas sa singil ng kuryente sa susunod na buwan, kinumpirma ng Decorp

Kinumpirma ng Dagupan Electric Corporation o (DECORP) na bumaba ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Enero dahil sa mahinang demand nito.

Bumaba ng halos labin walong sintabo ang kada kilowatt hour mula sa dating singil na P4.11 noong nakaraang taon, ngayon ay nasa P3.84 ang kada kilowatt hour na konsumo sa generation charge.

Sinabi ni Atty. Randy Castilan, Legal Officer at Spokesperson ng DECORP na ang nararanasang pagbaba sa singil ng kuryente na posibleng mabago sa susunod na buwan.

Ito’y dahil nakatakda rin mapatupad ng dagdag singil ng kuryente ang decorp sa susunod na buwan dahil sa epekto ng umiiral na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (Train) Law.

Nabatid na ang mga electric company ay nakadepende ang suplay ng kuryente sa mga coal power plant, kung saan ang mga coal power plant ay papatawan narin ng karagdagang buwis dahil sa Train Law.

Speak Your Mind

*