War Against Poverty ng Bayambang LGU, tutulungan ng DSWD listahana

Hinihikayat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1 ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Bayambang na magkaroon ng Memorandum of Agreement sa DSWD listahanan.

Ito ayon kay Ryan Arbollente, listahanan Regional Statistician ng DSWD- field office 1 ay upang malaman ang mga dahilan ng mga naitalang datos ng mahihirap na pamilya sa Bayambang.

Nabatid na ang bayan ng Bayambang ay nananatiling pangalawa sa laki ng bilang ng may mahihirap na pampilya at pangsampu sa dami ng mahihirap na pamilya sa Pangasinan, base sa datos ng isinagawang household assessment conducted noong 2015.

Naitala din ng Bayambang ang 73% mula sa 7,445 poor women na nasa edad 18-59 years old ang walang trabaho habang mayroon ding bilang na 1,477 ang mahihirap na Senior Citizen

Binigyang diin pa ni Arbollente na sa pamamagitan ng MOA ay matutukoy ang ibat-ibang programa at serbisyo ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Education (DePeD), Department of Health (DOH),National Economic and Development Authority (NEDA), at National Anti-poverty Commission (NAPC) para makabuo ng plano na laban sa kahirapan o ang “War against poverty” ng BayambangLGU.

Speak Your Mind

*