215 dating NPA, naghapunan sa palasyo kasama ang Pangulo

Pinatuloy ni Pangulong Rodrigo Duterte sa malakanyang ang higit sa dalawang daang dating miyembro ng New People’s Army (NPA).

Kasabay ni Pangulong Duterte na naghapunan ang dalawang daan at labing limang rebelde na nagbalik loob sa pamahalaan.

Ang nasabing bilang ang unang batch na hinarap ni Pangulong Duterte mula sa kabuuang anim na daan at walumpu’t tatlong sumuko sa Pamahalaan.

Una nang nagtungo sa Camp Aguinaldo sa Quezon City ang nasabing mga dating rebelde na mula sa Davao Oriental at Compostela Valley.

Apatnapu sa mga sumukong rebelde ang nakatapos na ng Basic Entry Requirements para maging miyembro ng AFP o bilang CAFGU.

Speak Your Mind

*