DOTR, planong bumili ng mga Speed Guns

Balak ng Department Of Transportation (DOTR) na bumili ng speed guns gamit ang sampung bilyong pisong pondo ng road board upang mabawasan ang mga aksidente sa kalsada at mapagtibay ang itinakdang speed limit.

Ayon kay Transportation Undersecretary for Roads Thomas Orbos, ang fund mula sa road board na galing sa car fees ay nararapat na ilaan para sa mga programang anti-speed gaya ng pagbili ng speed guns.

Sa Metro Manila pa lang ay dalawampung porsiyento na o dalawandaang speed guns ang kakailanganin dahil libong intersections ang matatagpuan dito.

Sa pag-uusap nila ni land Transportation Office Assistant Secretary Edgar Galvante, sinabi nitong agad nang hihingi ng pondo at lto mismo ang mamamahagi ng kagamitan.

Nabigyang-diin ni Orbos ang pagbili ng speed guns matapos ilunsad ng DOTR, Department Of Interior And Local Government, at Department of Public Works and Highways ang Joint Memorandum Circular (JMC) 2018-001 on the classification of roads for speed limits setting.

Speak Your Mind

*