Duterte, pupulungin ang PAO, DOJ at VACC, kaugnay ng Dengvaxia Vaccine

Ipinatatawag sa malakanyang ang mga kinatawan ng Department Of Justice, Volunteers Against Crime and Corruption at Public Attorneys Office kaugnay sa isyu ng dengvaxia.

Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre para plantsahin umano ang kontrobersyal na isyu sa dengvaxia.

Alas tres mamayang hapon ang itinakdang pagpupulong sa malakanyang kasama si Executive Secretary Salvador Medialdea.

Samantala, giniit ni Aguirre na walang dahilan para ihinto ng NBI at pao ang imbestigasyon at otopsiya sa mga kabataang namatay matapos mabakunahan ng dengue vaccine na dengvaxia.

 

Speak Your Mind

*