Kahalagahan sa pag-aalaga sa ngipin ngayong “dental month” – PHO

Ipinaalala ng Provincial Health Office (PHO) ang kahalagahan ng pag-aalaga sa ngipin kasabay sa paggunita ng “Dental Month” ngayong buwan ng Pebrero.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Dhalia Dumantay, health Education Promotion Officer ng PHO na importanteng malaman ang tamang pag-aalaga ng ngipin.

Kasaman na umani rito ang regular na pagto-toothbrush, pagpapalinis at pagpapa- check up ng ngipin isang beses sa kada anim na buwan.

Sinabi pa ni Dumantay na mas magandang iwasan din ang pagkain ng matatamis, ngunit kung hindi maiwasan ay agad na lamang mag-tooth brush pagkatapos kumain.

Speak Your Mind

*