Kamara, inatasan ang BIR na imbestigahan ang mga kinita ni Sereno sa mga nakalipas na taon

Pinaiimbestigahan ng House Justice Committee sa Bureau Of Internal Revenue (BIR) ang mga kinita ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa mga nakalipas na taon.

Aalamin na rin ng BIR kung nagbayad si Sereno ng tamang buwis.

Ito ay matapos bigong makapagsumite si Sereno ng kanyang Statement Of Assets, liabilities, and net worth o SALN.

Kinuwestyon din ng Komite ang kinita ni Sereno ng tumayo ito bilang Abogado ng Gobiyerno sa pagkapanalo sa kaso ng Philippine International Air Terminals Company Incorporated o PIATCO.

Ayon sa BIR, nasa proseso pa sila ng pangangalap ng mga dokumento bago simulan ang pormal na imbestigasyon.

Speak Your Mind

*