Libro ng Globe at Smart, ipapa-‘Tax Audit’ ni Pangulong Duterte

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang malaking telecommunications company sa bansa na ipapa-audit kung tama ang binabayarang buwis sa Gobiyerno.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos mabuwisit sa umano’y maraming demands ng mga TELCOS kaugnay sa napipintong pagpasok ng third party player ngayong unang quarter ng taon.

Ayon sa pangulo, hindi siya natatakot sa dalawang higanteng kompanya sa TELCOS Industry.

Interesado ang Pangulo na malaman kung tama ang binabayarang buwis ng Smart at Globe sa mga nakalipas na taon.

Nilinaw ng Pangulo na hindi pangha-harass ang kaniyang ginagawa, bagkus nais niyang malaman kung malinis ang mga kompanyang humaharang sa pagpasok ng bagong Telecom Company sa bansa.

 

 

Speak Your Mind

*