Mga babaeng NPA, pinasusuko ni Pangulong Duterte

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga babaeng kasapi ng New People’s Army na magbalik-loob na sa pamahalaan.

Nangako si pangulong duterte na oras na sumuko sa pamahalaan ang mga babaeng npa ay ipapasyal niya ang mga ito sa Hongkong at China.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa isang hapuan kasama ang dalawandaan at labing limang dating mga opisyal at miyembro ng npa.

Una nang sumuko ang nasa apatnapu’t walong babaeng rebelde mula sa Mindanao.

Sinabi ni Duterte na nais niyang malaman ng mga rebeldeng babae ang totoong ideolohiya ng komunismo sa China at Hong Kong.

Hangad din ng Pangulo na ipaalam sa mga rebelde ang sitwasyon ng isang bansang mula sa dating komunista na naging kapitalista.

Speak Your Mind

*