Migratory birds na dumarayo sa Pangasinan, umaabot sa 20 species


Mahigit sa dalawampung uri o species ng mga ibon ang dumarayo sa lalawigan ng Pangasinan tuwing buwan ng Pebrero.

Ito ayon kay Joefel Soriano Planing Officer ng PENRO-Pangasinan ay dahil ang mga ibong manggagaling cold hemisphere ay nagpupunta sa bansa dahil sa mas mainit na panahon at humahanap na makakain.

Kasabay nito, isinasagawa ngayon ng penro ang bird watching sa bayan ng San Manuel na isa sa mga lugar sa lalawigan ang madalas na puntahan ng mga migratory birds.

Nagpaalala naman si Soriano sa publiko na huwag lapitan, at istorbuhin ang mga migratory bird dahil posibleng hindi na sila bumalik sa lugar kung saan isinasagawa ang bird wacthing.

Hindi rin aniya mabuti sa kalusugan kung huhulihin at kakainin ang mga ibong ito dahil maaari silang pagmulan ng sakit gaya ng bird flu.

Speak Your Mind

*