MRT-3, pito na lamang ang gumaganang Tren

Nababahala na si Senadora Grace Poe sa patuloy na pagbaba ng bilang ng tumatakbong tren ng MRT-3.

Duda ang Senadora na matutupad ang pangako ni DOTR Secretary Arthur Tugade na magiging maayos ang serbisyo ng MRT sa pagdating ng mga bagong spare parts.

Sa ngayon ay pito na lamang ang gumaganang tren mula sa dating labing limang tren.

Ipinauubaya na ni Poe sa mamamayan kung nararapat pang manatili sa kaniyang posisyon si Tugade kung hindi mareresolba ang problema ng MRT-3 hanggang sa katapusan ng kasalukuyang buwan.

 

Speak Your Mind

*