Nararanasang anxiety, maaari umanong pagmulan ng mas malalang sakit

Malaki umano ang tyansang mauwi sa sakit ang nararanasang anxiety o pag-aalala o takot ng isang tao.

Ito ayon kay Dra. Rosalinda Caoile, Psychiatrist at Coordinator ng Drug Treatment and Rehabilitation Center, lalo na kung ang nararamdamang pagkatakot ay nakaka-apekto na sa pag-araw-araw na buhay.

Hindi na aniya normal sa isang tao kung ang labis na pagkabalisa ay nagpapabago na sa kanyang pakikitungo sa kapwa tao.

Kadalasan aniyang sanhi ng anxiety ay biological hereditary o namama sa magulang at mga kamag-anak, behavioral o nakukuha sa kanyang paligid o kinalakihan at ang imbalance o hindi balanseng pag-iisip.

Sinabi pa ni Caoile na isa sa simpleng paliwanag ng anxiety ay yung nakakaramdam ng takot o worry na hindi alam ang dahilan.

Ilan naman aniya sa dahilan ng pagkakaroon ng anxiety ay ang paggamit ng bawal na gamot, pag-inum ng alcohol at paninigarilyo.

Payo naman ni Caoile na sakaling makaramdam ng kakaiba sa sarili ay agad magpatingin sa doktor, panatilihin ang malusog na pag-iisip at patatagin ang relasyon sa panginoon.

Speak Your Mind

*