Nawawalang Pinay sa Taiwan matapos ang 6.4 Magnitude na Lindol, nakilala na

Tukoy na ang pagkakakilanlan ng isang Pinay Overseas Filipino Worker na nawawala matapos ang 6.4 magnitude na lindol sa Hualien, Taiwan.

Kinilala ni Manila Economic and Cultural Office Chairman at Resident Representative Angelito Banayo ang Pinay OFW na si Melody Albano de Castro na taga-Ilocos.

Ayon kay Banayo, hindi pa nila tiyak kung ano ang kalagayan ni ngayon ni Banayo dahil hindi umano sinasagot ang mga tawag sa cellphone nito.

Samantala, tiniyak naman ni Banayo na nasa ligtas na kalagayan ang isa pang Pilipino na naospital matapos magtamo ng mga paso dulot ng malakas na lindol.

Batay sa huling ulat, umaabot na sa higit dalawang daan ang naitalang sugatan habang pito ang patay at di pa mabilang ang mga nawawala.

Speak Your Mind

*