NGCP, handang tumulong para sa National Broadband

Nagpapahayag ng malaking partisipasyon ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa National Broadband Program (NBP) ng pamahalaan matapos magpadala ng liham kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa NGCP, maaaring gamitin ng Gobyerno ang lahat ng pasilidad nito nang walang gastos upang maisaktuparan ang programa.

Dagdag pa nito, handa ang ahensya na makipag-ugnayan sa Department of Information and Communications Technology (DICT) upang mapirmahan na ang Memorandum Of Understanding (MOU) ng dalawang partido.

Speak Your Mind

*