Publiko, hinikayat ng BFAR sa paggamit ng mosquito fish laban sa dengue.

Muling hinihikayat ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa paggamit ng mosquito fish bilang panlaban sa sakit na dengue.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Dr. Westly Rosario, ang Center Chief ng BFAR–National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) na libreng ibinibigay ang mosquito fish basta magtungo lamang sa kanilang tanggapan.

Sinabi pa ni Rosario na ang isang mosquito fish ay kayang kumain ng mosquito larvae sa isang araw ng katumbas sa kanyang timbang.

Giit ni Rosario na ang mosquito fish ay itinuturing ngayong solusyon upang mapigilan ang pagdami ng mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue.

Speak Your Mind

*