“Rxbox 1000 project” ng DOST, solusyon sa serbisyong pangkalusugan ng bansa

Isinusulong ngayon ng Department of Science and Technology ang “RXBOX 1000 Project”, isang joint Project ng DOST at UP Telehealth Medicine, UP Manila.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Alexa Apostol, Science Research Specialist II at DOST-Pangasinan na ang 1000 RXBOX Telehealth Devices ay ipapakalat sa mapipiling Rural Health Unit (RHU) sa buong bansa

Ayon pa kay Apostol, mapalad ang rehiyong uno dahil abot sa limamput limang unit ng RXBOX ang ipapamahagi sa mga liblib na lugar.

Nabuo aniya ng konsepto ng proyekto dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng kalusugan sa bansa na nasa 60 percent ng bilang ng mga pilipino ang namamatay dahil sa kakulangan ng serbisyong pangkalusugan.

Nabatid na ang RXBOX ay pinagsamang galing ng medisina at ng engineering kung saan ito ay binubo ng tele medicine, electronic medical record, at community health information tracking system.

Speak Your Mind

*