Sec. Duque, lusot na sa kumpirmasyon ng Commission On Appointments

Lusot na sa Commission On Appointments si Health Secretary Francisco Duque.

Pinagtibay ng CA Committee on Health ang Ad Interim Appointment ni Duque bilang Kalihim ng Department Of Health.

Tiwala ang mga miyembro ng CA na magagampanan ni Duque ng maayos ang tungkulin bilang kalihim ng DOH.

Ito ay sa kabila ng kontrobersya kaugnay sa dengue vaccine na dengvaxia.

Ito na ang ikalawang termino ni Duque bilang Kalihim ng Kagawaran matapos ang kaniyang unang termino sa ilalim ng Administrasyong Arroyo.

Kasabay ng kaniyang kumpirmasyon, nanindigan si Duque na hindi susuko ang DOH hangga’t hindi nareresolba ang isyu sa dengvaxia.

 

 

Speak Your Mind

*