16 ng insidente ng sunog sa Dagupan, naitala mula buwan ng Enero

Muling nagbabala ang Bureau of Fire Protection o BFP Dagupan sa publiko na mag-ingat lalot nasa labing anim na ng insidente ng sunog ang naitala mula buwan ng Enero.

Ito’y matapos ang maitalang grass fire sa barangay Tambac, Dagupan kung saan kinailangan pa ang tatlong fire truck upang umamtabay sa sunog at mapigitan pumunta sa mga kabahay.

Kasabay nito, hinikayat ni PC/Insp. Georgian Pascua, Firemarshall ng BFP Dagupan ang publiko na makiisa ng grasscutting ordinance na inilunsad ng siyudad kasabay sa selebrasyon ng “Fire Prevention Month” ngayong Marso.

Dito nakapaloob na dapat lahat ng may-ari ng mga bakanteng lote ay tabasan o putulin ang matataas ng damo sa kanilang lupa upang hindi ito pagmulan ng sunog bunsod ng init ng panahon

Speak Your Mind

*