AUTOPRO-Pangasinan, pabor sa jeepney rehabilitation hindi sa Jeepney Modernization

Pabor ang Alliance of United Transport Organizations Province-Wide (AUTOPRO) Pangasinan Chapter sa isinusulong na jeepney modernization program ng pamahalaan.

Ngunit hindi aniya sa nakapaloob dito na phase out o palitan na ang mga lumang jeep sa bagong sasakyan.

Ayon kay AUTOPRO-Pangasinan President Benny Aquino, pabor sila na isailalim na lamang sa rehabilitasyon ang mga lumang jeep upang hindi nawalan ng hanap-buhay ang mga mahihirap na jeepney driver.

Nabatid na aabot sa 1.5 milyong piso ang halaga ng bagong jeep bagay na hindi kayat ng mga tsuper.

Speak Your Mind

*