Dagdag pasahe sa mga pampasaherong jeep, isinusulong ng Autopro Pangasinan

Kaisa ang Alliance of United Transport Organizations Province-Wide (AUTOPRO) Pangasinan Chapter sa pagsusulong ng dagdag pasahe sa mga pampasaherong jeep.

Ayon kay Benny Aquino, President ng AUTOPRO-Pangasinan, ang hakbang na ito ay dahil sa liit ng mga stuper na umaangal na sa subrang taas na presyo ng produktong petrolyo.

Kabilang din umano sa nakapaloob na petisyon ng dagdag pasahe ang umiiral na Tax Reformation for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.

Dagdag pa ni Aquino na pahirap din sa mga driver ang pagtaas ng halaga ng mga spare part ng ginagamit sa pagsasaayos ng kanilang sasakyan.

Speak Your Mind

*