Tamang panahon ng kampanya, mahigpit ang paalala ng Comelec

Mahigpit ang paalala ng Commission on Elections o Comelec Nueva Ecija sa mga kandidato na tatakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay Panfilo Doctor, Provincial Election Supervisor ng Nueva Ecija, dapat hintayin ang mga itinakdang petsa na maaari nang makapagkampanya dahil ang sinumang mapatutunayang lumabag rito ay mawawalan ng karapatang maluklok sa pwesto.

Dagdag pa ni Doctor na ang anumang uri ng pagpapakilala bilang kandidato kahit pa ang paggamit ng social media ay mahigpit na ipinagbabawal hangga’t hindi pa panahon ng kampanyahan.

Batay sa itinakdang iskedyul ng Comelec, ang campaign period ay magsisimula ng mayo 4 na magtatagal lamang hanggang Mayo 12.

Ipinaalala din ni Doctor ang pagsusumite ng Statement of Contributions and Expenditures o listahan ng mga nagastos sa pangangampanya pagkatapos ng halalan.

Speak Your Mind

*