BFAR-NIFTDC, ikinalungkot na walang industriya ng pag-aalaga ng ulang sa bansa

Ikinalungkot ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR-National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) na walang industriya ng pag-aalaga ng ulang sa bansa.

Ito ayon kay Dr. Westly Rosario, center chief ng BFAR-NIFTDC sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, ngunit kung sisimulan naman aniya ang pag-aalang ng ulang sa bansa ay hindi na mahirap.

Sinabi pa ni rosario na nagawa na sa BFAR-NIFTDC sa Bonuan Binloc, Dagupan City ang pinakamahirap na bahagi sa pag-aalaga ng ulang, ito ay ang pagpaparami ng similya.

 

Ayon pa kay Rosario, malaki ang potensyal na kumita sa pag-aalaga ng ulang dahil sa malaking demand nito sa merkado na mabibili sa P350 ang kada kilo.

Nabatid na ang ulang, isang uri ng hipon ay maaring alagaan sa tubig tabang o fresh water kung saan hindi rin ito madaling tamaan ng sakit.

Ang industriya ng ulang ay patok na sa mga bansa ng Thailand, Vietnam, Laos at Cambodia.

KBP-Pangasinan Chapter, allset na sa isasagawang 2017 Oplan Bradcastreeing

Mahigit isanlibong seedling ang nakatakdang itanim sa taunang aktibidad ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) na Nationwide Oplan Broadcastreeing.

Magsasama-sama ang lahat ng miyembro ng kbp-pangasinan chapter sa isasagawang broadcastreeing sa Brgy. Embarcadero, Nibaliw, at Tebang Mangaldan Pangasinan katuwang ang Mangaldan Lgu’s at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Magsisimula ang nasabing aktibidad dakong alas-6:00 ng umaga, sabado Hulyo 29 kung saan ang nasabing aktibidad na pangungunahan ni KBP-Pangasinan Chapter President Mark  Espinoza

Layunin ng pagtatanim ng iba’t-ibang puno ng kahoy ay upang pangalagaan ang kalikasan kung kaya’t kada taon ito ginagawa ng mga mamahayag sa buong bansa.

Monitoring ng DILG sa kanilang Community Base Rehabilitation Program, nagpapatuloy

Patuloy ang isinasagawang monitoring ng Department of Interior and Local Government o DILG-Pangasinan sa kampanya ng pamahalaan kontra illegal na droga.

Ito ayon kay Shiela Marie Andales, Provincial Director ng DILG-Pangasinan, ay sa pamamagitan ng kanilang Community Base Rehabilitation Program (CBRP).

Sinabi pa ni Adales na patuloy ang kanilang pangangalap ng datos hinggil sa mga programa kontra illegal na droga ng mga Local Government  Unit (LGU).

 

Una nang inihayag ng DILG na trabaho ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang drug clearing operation sa mga barangay habang nasa kanilang resposibilidad ang monitoring sa mga programa sa drug rehabilitasyon.

CDRRMO-Dagupan, tiniyak na handa na sa anumang banta ng kalimidad

Inihayag ng City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO-Dagupan na handa na ang kanilang tanggapan sa anumang banta ng kalimidad.

Ayon kay Bernard Cabison, deputy Operation Officer ng CDRRMO-Dagupan, nakalatag na ang lahat ng bagong rescue equipment ng syuidad sakali mang maranasan ang mga pagbaha.

Bukod pa rito, sinabi ni Cabison na naihanda narin nila ang publiko gamit ang kanilang ipinamamahaging directory stickers, pampleta, at mga isinasagawang drills.

 

Naihanda narin umano at natukoy ang mga evacuation center na tatakbuhan ng mga Dagupenyo sakaling maranasan ng mga pagbaha at lindol.

Mataas na multa sa mga driver na mahuhuli malapit sa paaralan, nakaamba sa ADDA

Pananawagan ngayon ang Land Transportaion Office o LTO-Dagupan sa mga motorista na maging responsable sa pagmamaneho kasabay sa implementasyon ng Anti Driving Distractive Act o ADDA.

Sinabi ni Airene Pateros, ng LTO-Dagupan na nakapaloob sa Implementing Rules and Regulation o IRR ng ADDA na limitado na lamang ang paggamit ng celphone ng mga motorista habang ito ay nagmamaneho.

Ayon pa kay Pateros na mas malaki ang multa ng isang driver ng pampubliko o pribadong sasakyan kung sila ay mahuhuli nagte-text sa celphone malapit sa bisinidad ng paaralan.

Nabatid na aabot sa tatlumpong libong piso ang multa kahait na ito ay sa unang paglabag pa lamang.

 

Una nang ipinaalala ng lto na dapat isipin ng mga driver hindi lang ang kanilang kaligtasan kundi maging ang kanilang pasahero at publiko na nasa lansangan.

“Drug Cleared Barangay” sa Pangasinan, umabot na sa siyamnapung porsyento

Kasabay sa nagpapatuloy na kampanya kontra illegal na droga, umabot na sa siyamnapung porsyento ng kabuong bilang ng mga barangay sa lalawigan ng Pangasinan ang idineklarang “Drug Cleared Barangay”.

Ayon kay P/Insp. Norman Florentino, Deputy Officer for Operation ng Pangasinan Provincial Police Office (PPPO), nasa 1,141 na cleared barangay mula sa 1,271 barangay sa lalawigan.

Habang tatlong bayan at syuidad na sa Pangasinan ang naunang idineklarang drug cleared.

Ganunpaman, tuloy-tuloy pa rin naman aniya ng monitoring ng PNP dahil hindi nila iniaalis ang posibilidad na muling bumalik ang aktibidad na may kaugnayan sa paggamit at operasyon ng illegal na droga.

Umaasa naman ang PPPO na maidideklarang drug free ang buong lalawigan ng Pangasinan bago matapos ang taong kasalukuyan

CHO, nagbabala sa paggamit ng e-cigarette kasabay sa implementasyon ng smoking ban

Nagbabala ngayon ng Department of Health o DOH sa publiko sa paggamit ng e-cigarette kahit na hindi ito kasama sa ipinatutupad ng Natiowide Smoking Ban.

Una nang ipinatupad ang Executive Order No. 26 o Natiowide Smoking Ban na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinatupad nitong linggo, Hulyo a-bente tres kung saan ipinagbabawal dito ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay Dr. Ophelia Revera, CHO Officer ng Dagupan na wala pang pag-aaral na nagpapatunay na ligtas gamitin ang mga e-Cigarette, kayat hindi nila inirerekomenda ang paggamit nito.

Nilinaw naman ng DOH na bagamat hindi sakop ng smoking ban ang paggamit ng vape ngunit maaari namang gumawa ng ordinansa ang mga local government unit para ipagbawal ang paggamit ng vape sa mga pampublikong lugar.

Mahigit 400 mga barangay sa Region 1, naideklerang drug-cleared ng PDEA

Umaabot na sa 482 mula sa 2,829 na barangay ang drug-cleared na sa Region 1.

Ito ang inihayag ni Regional Director Jeoffrey Tacio ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay sa isinagawang Dangerous Drugs Abuse Prevention and Treatment Summit sa Ilocos Sur.

Mula sa nasabing bilang, 282 dito ay mula sa Pangasinan, 202 sa La Union at tig-23 sa Ilocos Sur at Ilocos Norte.

Sinabi naman ni Department of Interior and Local Government (DILG) Regional Director James Fardilan, na malaking tulong ang mga grupo ng Mamamayan Ayaw Sa Droga, Mamamayan Ayaw Sa Anomalya (Masa-Masid) sa kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga at korapsiyon.

Mula sa report ng Police Regional Office-1, napag-alaman na mayroon ng 10,074 na naideklerang graduate sa Community Based Rehabilitation (CBRP) na programa ng mga lgu sa mga sumukong drug personality.

Migrant Desk Office ng Dagupan, mahigit isandaang distress OFW na ang natulungan

Malaking tulong sa mga Overseas Filipino Worker o OFW na nagkakaroon ng problema sa ibang bansa ang itinatag na Migrant Desk Office sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Lexter Seco, Migrant Desk Staff ng lungsod ng Dagupan ang migrant desk ang nilalapitan at nanihingan ng tulong ng mga kamag-anak ng mga OFW na nagkaroon ng problema sa abroad.

Sa ngayon, umabot na umano sa isandaan labin dalawa ang natanggap na kaso ng migrant desk kung saan nasa walumpong porsyento na rito ang natulungan.

 

Karamihan naman ayon kay Seco ay mga domistic helper na biktima ng pagmamaltrato ang kalimitang idinudulog sa kanilang tanggapan.

At karamihan din aniya sa mga ofw na ito ay mula sa Middle East.

PESO Barangay Pocal Person sa Dagupan, target mawakasan ang mga illegal recruiter

Nagtatag na ang Pulic Employment Service Office (PESO) ng “PESO Barangay Pocal Person” sa ibat-ibang barangay sa lungsod ng Dagupan.

Ito ayon kay PESO Staff Christian Julio Grospe, ang nasabing mga PESO Barangay Pocal Person ay magiging katuwang sa lahat ng mga programa ng Pulic Employment Service Office at Migrant Desk Office.

Sinabi pa ni Grospe na patuloy ang kanilang ibinibigay na training and seminar kasama na ang lahat ng mga barangay opisyal hinggil sa isyu ng illegal recruiter.

 

Layun umano nito na maipalaganap ang kaalaman at maiwasan ang mga kababayan na mabiktima ang illegal recruiter.