“No Balance Policy”, patuloy na ipinatutupad ng Philhealth

Patuloy na ipinatutupad ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth-Cabanatuan ang “No Balance Policy” sa ilalim ng Philhealth Circular No. 0003 series of 2014.

Sa panayam ng Sonshine Radio Cabanatuan, sinabi ni Ma. Adelinda Morales, Social Insurance Officer II ng Philhealth na ang “No Balance Policy” ay sponsored member ng mga Local Government Unit.

Kabilang din umano sa nabebenepisyuhan ng “No Balance Policy” ang mga miyembro ng 4Ps o mga nasa listahanan program ng DSWD, senior citizen, at mga kasambahay.

Sa ilalim umano ang “No Balance Policy”, walang babayaran ang mga nabangit na membership category sa mga Philhealth accredited government facilities o sa mga pampublikong hospital.

Sakali naman aniyang bigyan ang isang miyembro ng resita na wala loob ng pagamutan, maaari naman aniyang ipresinta ang mga resibo sa philhealth para sa kanilang re-embursement.

Tamang panahon ng kampanya, mahigpit ang paalala ng Comelec

Mahigpit ang paalala ng Commission on Elections o Comelec Nueva Ecija sa mga kandidato na tatakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay Panfilo Doctor, Provincial Election Supervisor ng Nueva Ecija, dapat hintayin ang mga itinakdang petsa na maaari nang makapagkampanya dahil ang sinumang mapatutunayang lumabag rito ay mawawalan ng karapatang maluklok sa pwesto.

Dagdag pa ni Doctor na ang anumang uri ng pagpapakilala bilang kandidato kahit pa ang paggamit ng social media ay mahigpit na ipinagbabawal hangga’t hindi pa panahon ng kampanyahan.

Batay sa itinakdang iskedyul ng Comelec, ang campaign period ay magsisimula ng mayo 4 na magtatagal lamang hanggang Mayo 12.

Ipinaalala din ni Doctor ang pagsusumite ng Statement of Contributions and Expenditures o listahan ng mga nagastos sa pangangampanya pagkatapos ng halalan.

Comelec, naniniwala na tuloy na tuloy na ang eleksyon ngayon Mayo

Naniniwala ang Commission on Election (Comelec) na tuloy na tuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) election ngayong Mayo 2018.

Ayon kay atty. Marino Salas, Election Supervisor ng Pangasinan, hindi na aabot ang panibagong panukalang Postponement Bill Number 7072 sa kamara dahil umano’y isinusulong ng Cha-Cha.

Dagdag pa ni Salas na malinaw ang mga pahayag ng Malakanyang na mayroon silang intesyon ng muling ipagpaliban ang halalan sa mayo.

Nanindigan din si Salas na ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho para paghandaan ang nalalapit na eleksyon.

Sa ngayon, umaabot na sa 1,799,053 ang bilang ng regular voter habang nasa 683,462 ang botante na pawang mga kabataan.  

Pag-init ng panahon, pabor sa paglaki ng mga alagang bangus

Malaking tulong sa mga bangus grower ang pag-init ng panahon dahil mas mabilis ang paglaki ng kanilang alagang bangus.

Nabatid na umabot na sa 35.5 degree celsius ang temperatura na nararanasan sa syudad na pabor para sa mga alagang bangus

Ayon sa pag-aaral ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kapag mainit ang panahon tumataas ng metabolism na nagdudulot ng kanilang mabilis na paglaki.

Halimbawa na aniya rito ang pangingitlog ng mga alagang isda kayat mabilis din ang kanilang pagdami.

Kasabay nito, nagbabala naman ng BFAR na dapat din mag-ingat dahil ang subrang pagpapakain at stock ng isda sa palaisdaan ay maaaring mauwi sa gataw.

24 gatasang kalabaw, ipinamahagi sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program

Umabot na sa dalawamput apat na kalabaw ang naipamahagi ng Philippine Carabao Center (PCC) sa mga magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan at La Union ngayong unang quarter ng taon.

Ito ayon kay Reynaldo Paneda, Science Research Analyst ng PCC ay sa  ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Develoment kung saan mula ito sa 4Ps beneficiaries.

Sinabi pa ni Paneda na isandaang head ng dairy carabao ang nakatakdang ipamahagi ng dswd na tiyak na pakikinabangan ng mga magsasaka.

Bilang ganti, dapat ang mga magsasaka na beneficiaries ng gatasang kalabaw ay narunong mag-alaga, maglaan ng lugar kung saan maaaring magtanim ng ipapakain sa kalabaw at dapat sumailalim sa mga pagsasanay

Ubo Patrol, nag-iikot sa mga barangay upang bantayan ang kaso ng tuberculosis

Patuloy ang isinasagawang Ubo Patrol ng City Health Office (CHO) Dagupan sa mga barangay upang mahanap ang mga residenteng nakakasanas ng pag-uubo.

Ayon kay Dr. Ophelia Revera, CHO Officer ng Dagupan na layun ng ubo patrol na maagapan ang ubo na nararamdaman kung ito ba ang sintomas na ng TB o Tuberculosis

Ang hakbang na ito ay upang masiguro na hindi na lalala ang ubo at mabigyan sila ng gamot

Nilinaw pa ni Revera na ang sakit ng TB ay nalulunasan sa pamamagitan ng anim na buwang gamutan, at hindi dapat itong katakutan at ikahiya.

PDRRMO, target makamit ang zero drowning incident sa Oplan Sumvac

Target ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na maitala ang “zero drowning incident” kasabay sa kanilang ipinatutupad na Oplan Sumvac.

Ayon kay Avenix Arenas, Information Officer ng PDRRMO, inaasahan na ang pagdagsa ng mga beach goer sa huling linggo ng marso kayat nasa “full alert status” na sila.

Kasado na ang limang beach tower na 24 hour na babantayan ng mga miyembro ng Water and Search o WASAR Team at nakataas na rin ng red flag tanda kung saan lamang maaaring maligo.

Nabatid na tatlo ang kaso ng pagkalunod ang naitala sa pangasinan noong nakaraan taon habang nasa dalawampu (20) ang nabiktima ng jellyfish sting.

Kaso ng TB o Tuberculosis sa Pangasinan ngayong unang quarter ng taon, tumaas

Tumaas ang naitalang kaso ng tb o tuberculosis sa lalawigan ng pangasinan ngayong unang quarter ng taon.

Ito ayon kay Verse Revera, TB Field Coordinator ng Provincial Health Office (PHO) ay dahil sa awareness campign na ginagawa ng kagawaran ng kalusugan kasama na ang mga lgus.

Nilinaw ni Revera na ang Tuberculosis ay sakit na nakakahawa ngunit ito ay nagagamot na sa papamagitan ng anim na buwang gamutan.

Libre din aniya makukuha ang gamot bastat regular lang na magtungo sa mga health center.

Nabatid na ang TB ay isang sakit na maaring makuha sa paglanghap ng hanging may dalang mikrobyo mula sa may sakit ng TB.

Paggunita ng “World TB Day” sa Pangasinan ngayong buwan ng Marso, kasado na

Kasado na ang isasagawang paggunita ng “World TB Day” sa lalawigan ng Pangasinan ngayong darating na Marso a-24, taong 2018.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Verse Revera, TB Field Coordinator ng Provincial Health Office (PHO) na ito’y isasabay na sa isasagawang “Kalusugan Caravan” sa darating na Marso a-bente dos.

Aniya, ibat-ibang serbisyo ang nakalaan para sa mga pasyenteng inuubo ng higit tatlong linggo at mga pasyenteng may TB o Tuberculosis gaya nang pagsasailalim sa libreng x-ray.

Dagdag pa ni revera na karaniwang sintomas ng taong may TB ang pagkakaroon ng ubo ng higit sa tatlong linggo, pagkakaroon ng lagnat at pagpapawis tuwing hapon at gabi, kawalan ng ganang kumain, at ang pagbaba ng timbang.

Nakagat ng aso noong taong 2017 sa Pangasinan, pumalo sa mahigit 73,000

Pumalo sa pitumpot tatlong libo (73,000) ang naitalang nakagat ng aso noong taong 2017 sa buong lalawigan ng Pangasinan.

Ito’y batay sa tala ng Pangasinan Provincial Health Office (PHO) kung saan anim katao dito ang namatay.

Ayon kay Rachel Zarate, Health Education Promotion Officer ng PHO ang naitalang kaso ng rabies human death ay mula sa bayan ng Lingayen, Bugalon, Bayambang, Villasis, at lungsod ng Urdaneta.

Dahil dito, patuloy na nagbabala ang PHO sa publiko na sakaling makagat ng aso ay agad itong linisin ng running water ng haggang 15 minutes ng may sabon at magkakonsulta sa health center.

Huwag aniyang gagawin ang magpasuri sa tandoc dahil ang lahat ng kaso ng namatay ay dahil mas inumang magpakonsulta sa tandoc.